Maagang pamasko para sa mga masisipag na kawani ng barangay!
Namahagi ang Quezon City Government ng pamaskong handog bags sa mga empleyado ng barangay, kabilang ang mga lupon tagapamayapa, BPSO, mga purok leader, at konseho ng SK sa District 3.
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga staff ng barangay na katuwang ng lungsod sa pagpo-protekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga QCitizen, lalo na noong panahon ng pandemya.
Bumati rin sa mga kawani ng barangay sina Coun. Wency Lagumbay, Coun. Geleen Lumbad, Coun. Don de Leon, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, dating konsehal Julian Coseteng, Mr. RJ Belmonte, at Mr. Luigi Pumaren.