REGALO PARA SA QCITIZENS!🎄🎁

Mahigit 6,800 QCitizens sa Distrito 4 ang nakatanggap ng pamaskong grocery package mula kay Mayor Joy Belmonte.

Ipinangako ng Alkalde na magpapatuloy ang good governance sa lungsod at madadagdagan pa ang mga makataong programa at proyekto ng QC upang matugunan ang mga pangangailangan ng QCitizens.

Ang pamaskong handog ay paraan ng lungsod para pasalamatan ang patuloy na suporta at pakikiisa ng mga QCitizens sa lokal na pamahalaan.

Dumalo rin sa distribusyon ng mga regalo sa miyembro ng Joy Belmonte Movement at Joy Belmonte Volunteers Movement sina District 4 Rep. Marvin Rillo, D4 Councilors Imee Rillo, Egay Yap, Raquel Malañgen, Nanette Daza, Ivy Lagman, Atty. Vincent Belmonte, RJ Belmonte, D4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Chief of Staff Rowena Macatao.

#TayoAngQC

#QC85th

+20