Mahigit 5,000 QCitizens sa District 4 ang nakatanggap ng maagang pamaskong handog mula sa Quezon City Government.
Ngayong umaga, kasama sa mga nabigyan ng christmas grocery packs ang mga BPSO, barangay volunteers, barangay health workers, lupon tagapamayapa, at iba pang staff.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga empleyado ng barangay na tumutulong sa lokal na pamahalaan na maibaba ang mga programa at serbisyo sa mga QCitizen.
Kasama ni Mayor Joy sa pamamahagi ng pamaskong handog sina Coun. Egay Yap, Coun. Raquel Malañgen, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Mari Rodriguez, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at mga dating konsehal Atty. Vincent Belmonte, at Ivy Lagman.