Early christmas gift para sa mga kabataang QCitizen!

Nasa 3,800 kabataan sa District 4 ang nabigyan ng Pamaskong Handog grocery bags mula sa pamahalaang lungsod.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na ang pamamahagi ng mas maraming pamaskong handog packs ay patunay ng maayos at malinis na pamamahala sa pananalapi ng lokal na pamahalaan.

Dahil sa good governance, mas maraming pondo ang nailalaan sa mga programa para sa mga mamamayan kaya’t mas ramdam ang pag-unlad ng lungsod.

Kasama ni Mayor Joy sa pamamahagi ng pamaskong handog sa mga kabataan sina Coun. Egay Yap, Coun. Raquel Malañgen, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Mari Rodriguez, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at mga dating konsehal Atty. Vincent Belmonte, at Ivy Lagman.

+14