Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng pamaskong handog ng lokal na pamahalaan sa mga QCitizen!🎁

Aabot sa 3,398 empleyado ng barangay ang nabigyan ng munting regalo sa ginanap na distribusyon sa Metro Manila College sa Brgy. Kaligayahan. Kabilang sa mga nakatanggap ng pamaskong handog bag ang mga admin staff, BPSO, street sweepers, barangay health workers, purok leaders, at barangay volunteer workers.

Katuwang sa pamamahagi sina District 5 Rep. PM Vargas, Coun. Joseph Visaya, Coun. Alfred Vargas, Coun. Ram Medalla, Coun. Shay Liban, Coun. Aiko Melendez, at Coun. Enzo Pineda. Dumalo rin sa aktibidad si Mr. Bart Corpus na kinatawan ng SBP Party-list.

+33