PAMASKONG HANDOG KAY LOLA, LOLO! 👵👴

Pinamaskuhan ni Mayor Joy Belmonte ng grocery package ang 1,488 senior citizens ng Distrito 5 bilang pandagdag handa sa nalalapit na kapaskuhan.

Hinimok ng Alkalde ang senior QCitizens na tangkilikin ang mga serbisyong nakalaan para sa kanila. Kasama dito ang libreng maintenance medicine at check-ups sa mga health center sa QC.

Ibinalita rin ni Mayor Joy na uumpisahan na ang libreng Flu and Pneumonia vaccines para sa lahat ng seniors sa lungsod sa Enero 2025.

Katuwang ni Mayor Joy sa pamamahagi ang mga konsehal ng Distrito 5 na sina Shay Liban, Ram Medalla, Aiko Melendez, Alfred Vargas at Joseph Visaya, Enzo Pineda, D5 Action Officer William Bawag, at Chief of Staff Rowena Macatao.

#TayoAngQC

#QC85th

+13