ABANGAN ANG BAGONG MUSEO SA QC!
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang inihahandang Pambansang Museo ng Pelikulang Pilipino na matatagpuan sa QCX Museum ng Quezon Memorial Circle.
Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund) sa proyektong ito na layong ipreserba ang cinema culture ng bansa at maipabatid sa publiko ang ebolusyon ng pelikulang Pilipino.
Ayon sa Mowelfund, higit sa 1,000 film props at memorabilia na mula pa noong 1930s hanggang kasalukuyan ang lalamanin ng museo.
Nag-donate din ang lokal na pamahalaan ng P2-million sa Mowelfund para sa rehabilitasyon ng museo.
Dumalo sa exhibit launch sina Mowelfund Chairwoman Boots Anson-Rodrigo, President Rez Cortez, Vice President Julius Topacio, Jim Baltazar, Chief of Staff Rowena Macatao, at QC Department heads.




