Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Ambassador Jose E.B. Antonio, Century Properties Group, Inc. CEO Jose Marco Antonio, at PHirst Park Homes Inc. CEO Ricky M. Celis ang naganap na pulong na upang talakayin ang programang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) na target na agad maipatupad sa Lungsod Quezon.
Layunin ng programang ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na makapagtayo ng higit 6 million housing units sa loob ng anim na taon. Kabilang na rito ang pagsasaayos sa mga informal settlements para maging prime residential sites.
Dumalo rin sa naganap na meeting sina City Administrator Michael Alimurung, ACA for General Affairs Atty. Rene Grapilon, ACA for Fiscal Affairs Don Francis D. Javillonar, Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD) head Ramon Asprer, HCDRD Acting Asst. Department head Atty. Jojo Conejero, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, City Architect Arch. Lucille H. Chua, Investment Affairs Office head Juan Manuel J. Gatmaitan, at Tourism Department OIC Maria Teresa A. Tirona.