MODERNONG PABAHAY SA QC!
Sumailalim ang nasa 500 potential beneficiaries mula Distrito 5 sa oryentasyon para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa City Hall ngayong araw.
Katuwang ang Pag-IBIG Fund at QC Housing Community Development and Resettlement Department, target ng DHSUD na makapagtayo ng 8 buildings sa Novaliches at higit sa 1,000 units ang maaaring malipatan.
Kalaunan ay magkakaroon ito ng commercial areas tulad ng community hall, community market, paaralan, at parking building.
Bukas ang aplikasyon ng 4PH para sa urban poor sector, informal settler families, minimum wage earners, government employees, at overseas Filipino workers.
Dumalo rin sa oryentasyon sina HCDRD Assistant Department head Atty. Jojo Conejero, Department Manager Jacqueline Constantino ng Pag-IBIG Fund, at Director Randy Halasan mula sa DHSUD.