Karagdagang puhunan at panimula ang handog ng Quezon City Government para sa mga QCitizen sa Phase 3 ng Pangkabuhayang QC program!

Nasa 675 residente mula Districts 1, 3, at 4 ang nakatanggap ng livelihood aid ngayong araw.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling pagkakakitaan lalo na para sa mga kababaihan. Ayon pa sa alkalde, patuloy ang suporta ng lungsod sa mga entrepreneur kahit natanggap na nila ang kanilang puhunan para matiyak ang kanilang pag-asenso.

Katuwang ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office, sa programa ang Department of Trade and Industry, Go Negosyo, Sarisuki, Entstack, Meralco, Tonik Digital Bank, GCash, at Manila Standard.

+15