1,088 na aspiring entrepreneurs ang nabigyan ng tulong kapital para sa kanilang mga pangkabuhayan mula sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pamamagitan ng Pangkabuhayan QC program ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malaki ang naitutulong ng mga maliliit na negosyante sa paglago ng ekonomiya ng lungsod.
Nakatanggap ng P10,000 hanggang P20,000 na pangkapital mula sa lungsod ang mga benepisyaryo ng programa. Dumalo rin ang mga ka-partner ng QC tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Meralco, Sarisuki, San Miguel Food Corp., RCBC, Unionbank MSME Business Banking, ECPay, GCash, Cebuana Lhuillier, IMS-ANEC Global, Association of Filipino Franchisers Inc., Lazada, Rebisco at ang pinakabagong partner ng lungsod na Go Negosyo.