Congratulations sa 846 aspiring entreprenuers na nabigyan na ng puhunan para sa pinapangarap na negosyo sa tulong ng Pangkabuhayang QC program ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).
Pinaunlakan ni Mayor Joy Belmonte ang payout ng Pangkabuhayang QC batch 2, at pinasalamatan ang mga negosyante sa kanilang pagnanais na masimulan ang pinapangarap nilang kabuhayan.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P10,000 hanggang P20,000 at sumailalim din sa masusing verification process, livelihood training at management seminar.
Naroon sa payout site ang mga partner ng QC sa pagnenegosyo kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI), Meralco, Sarisuki, San Miguel Food Corp., RCBC, Unionbank MSME Business Banking, ECPay, GCash, Cebuana Lhuiller, IMS-ANEC Global, at Association of Filipino Franchisers Inc.