632 QCitizens sa ikaapat na distrito (batches 15 at 16) ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa Pamahalaang Lungsod, sa tulong ng Pangkabuhayang QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office (SBCDPO).

Bawat benepisyaryo ng programa na nangangarap na magkaroon ng sarili nilang negosyo ay nakatanggap ng P10,000 hanggang P20,000 capital assistance.

Sa kanyang pagbisita sa payout, pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga aspiring entrepreneurs dahil sa pagpupursige nilang makuha ang kanilang mga hangarin. Aniya, patuloy na nakasuporta sa kanila ang pamahalaang lungsod hanggang sa kanilang pag-asenso.

Sa Pangkabuhayang QC, kaagapay din ng lungsod ang mga partner nito sa pagsusulong ng kaunlaran ng maliliit na negosyo, kabilang ang DTI, San Miguel Corporation, GCash, at Cebuana Lhuiller.

Bago ang payout, sumailalim muna ang mga benepisyaryo sa masusing verification at management training.