Nasa 850 QCitizens ang nabigyan ng pagkakataong magtayo ng kanilang sariling negosyo, sa tulong ng Pangkabuhayang QC program ng Quezon City Government.
Ngayong araw, mga residente mula Districts 1, 3, at 4 ang nakatanggap ng livelihood assistance mula P10,000 hanggang P20,000.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, patuloy na sinusuportahan ng lokal na pamahalaan ang mga maliliit na negosyo para matulungan silang umunlad at lumago.