PANGKABUHAYAN PARA SA LAHAT!
Umabot sa 1,115 QCitizen entrepreneurs mula Distrito 1 at 2 ang nakatanggap ng dagdag puhunan mula sa programang Pangkabuhayang QC ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon.
Ang programang ito ay pinangangasiwaan ng QC Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Libo-libong QC-based micro at small businesses na ang nabigyan ng karagdagang pondo upang mapaunlad ang kanilang mga negosyo.
Kasama rin ng SBCDPO ang QC Business Permits and Licensing Department at Department of Trade & Industry sa paglulunsad ng programa.
Salamat sa pribadong sektor na naging katuwang ng SBCDPO mula sa Go Negosyo, BPI Direct BanKo, Enstack Technologies, Inc, EC Pay, Meralco, Gcash, Maya, San Miguel Food Inc, Lazada Philippines, PLDT, at Rebisco.