Sa Quezon City, prayoridad ang mga maliliit na negosyante!
Ngayong umaga, mahigit 900 QCitizen entrepreneurs mula District 2 ang nabigyan ng karagdagang puhunan sa ilalim ng Pangkabuhayang QC Program ng Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng micro and small businesses sa kaunlaran ng lungsod.
Pinasalamatan din ng alkalde ang mga business owner dahil sa kanilang pagsusumikap para sa kanilang pamilya. Handang magbigay ng suporta ang lokal na pamahalaan para matiyak ang kanilang patuloy na pag-unlad.
Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng aabot sa 10,000 hanggang 20,000 dagdag puhunan, depende sa kanilang negosyo. Sumailalim din sila sa training sa masinop na pamamahala ng kanilang business.
Nagbigay din ng kani-kanilang talumpati sa mga benepisyaryo sina Coun. Aly Medalla, Coun. Candy Medina, at SBCDPO Head Mona Yap.