Patuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal hatid ng programang Pangkabuhayang QC!
421 QCpreneurs mula District 4 na bahagi ng Phase 4 Batch 2 ang nakatanggap ng kanilang capital assistance mula sa programa ng pamahalaang lungsod handog ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa programa at nagbigay inspirasyon sa mga negosyante na pagbutihin ang kanilang napiling negosyo.
Kasama rin sa payout sina QC SBCDPO head Mona Celine Yap, Go Negosyo mentor Euclid Cezar, at iba pang partner sa programa.