Pagbati sa 391 QCitizens na nabigyan ng livelihood assistance sa ilalim ng Pangkabuhayang QC program.

Mga residente naman mula ikaapat na distrito ang nakatanggap ng puhunang pangnegosyo mula sa lokal na pamahalaan.

Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga negosyanteng QCitizen dahil sa kanilang dedikasyon at pagsisikap na umunlad. Hinimok niya rin ang mga QCpreneurs na magpa-rehistro sa Business Permits and Licensing Department (BPLD).

Bumati rin sa mga residente sina Coun. Egay Yap, Coun. Nanette Castelo-Daza, Coun. Raquel Malañgen, mga dating konsehal Atty. Vincent Belmonte at Ms. Ivy Lagman, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap.

+12