Aabot sa 622 QCitizens mula District 5 ang nakatanggap ng tulong-pangkabuhayan mula sa Quezon City Government, sa ilalim ng Pangkabuhayang QC program.

Nagsimula noong 2021, layon nitong magbigay ng karagdagang suporta sa mga residente para matulungang umunlad ang kani-kanilang negosyo.

Malugod silang binati nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, kasama sina Coun. Joe Visaya. Coun. Shai Liban, Coun. Alfred Vargas, District 5 Action Officer William Bawag, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at Mr. Enzo Pineda.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy na patuloy na nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan para matiyak ang kanilang pag-unlad at pag-asenso.

+16