Congratulations sa 220 negosyanteng QCitizen na nabigyan ng puhunan mula sa pamahalaang lungsod!

Ngayong umaga, nakatanggap ng livelihood assistance ang mga residente ng District 3 sa ilalim ng Pangkabuhayang QC Program.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng alkalde ang mga residente dahil sa kanilang pagpupursige na magtagumpay at umunlad. Handa rin ang lungsod na tumulong at magbigay suporta sa mga maliliit na negosyante.

Bumati rin sa mga QCitizen sina Rep. Franz Pumaren, Coun. Wency Lagumbay, Coun. Don De Leon, Coun. Geleen “Dok G” Lumbad, Coun. Chuckie Antonio, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Chief Mona Yap, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, dating konsehal Julian Coseteng, at Mr. Luigi Pumaren.

+18