Naipamahagi na ang karagdagang puhunan ng mga QCitizens na benepisyaryo ng Pangkabuhayang QC!
Personal na kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga maliliit na negosyanteng bahagi ng Pangkabuhayang QC Phase 4 Batch 1 mula sa District 2.
Pinayuhan ng alkalde ang mga benepisyaryo na magpursigi sa kanilang mga negosyo at kanilang mga pangarap.
Nakiisa sa training at payout sina Coun. Aly Medalla, Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Ms. Mona Celine Yap, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at mga kinatawan ng Barangay Batasan Hills.
Pagbati sa mga benepisyaryo at hangad ng pamahalaang lungsod ang inyong tagumpay.