Halos 800 negosyanteng QCitizen mula sa District 2 ang nakatanggap ng karagdagang puhunan ngayong araw sa ilalim ng Pangkabuhayang QC ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Layon ng programang ito na alalayan at palakasin ang maliliit na negosyo sa lungsod na nagnanais magsimula o magpalago ng kanilang sariling negosyo sa pamamagitan ng mga training at capital assistance.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, SBCDPO Head Mona Yap, at District Action Officer Atty. Bong Teodoro ang pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang sektor, kabilang ang mga micro-entrepreneur, persons with disabilities, solo parents, at iba pa.
Katuwang din dito ang Business Permits and Licensing Department, Department of Trade and Industry, BPI BanKo, at Globe Fiber.








