Nakatanggap ng karagdagang puhunan ang mahigit 1,200 negosyanteng QCitizen sa ilalim ng Pangkabuhayang QC Program.
Kabilang sa mga nabigyan ng livelihood assistance ang micro entrepreneurs, solo parents, persons with disabilities, pamilya ng OFWs, at mga residenteng nakakumpleto ng entrepreneurial trainings ng lungsod.
Sa kanyang talumpati, lubos na pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga benepisyaryo na nagsusumikap para maitaguyod ang kanilang pamilya.
Kinilala niya rin ang mga negosyante dahil sa kanilang ambag sa patuloy na pag-unlad at pag-asenso ng lungsod.








