Congratulations sa 500 QCitizen families na graduate na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pakikipagtulungan sa Quezon City Government.
Personal na binati ni Mayor Joy Belmonte ang mga pamilya, na nasa walong taon ding naging bahagi ng programa.
Ang mga nagsipagtapos na pamilya sa 4Ps ay mayroon nang kakayahan na maging self-sufficient dahil may stable nang pinagkukuhanan ng income, at nakapagtapos na ng kolehiyo ang mga anak.
Isasailalim din sila sa iba-ibang programa at serbisyo kung kinakailangan, base sa monitoring at assessment ng DSWD at Social Services Development Department (SSDD).
Pinaunlakan din nina DSWD-NCR Assistant Regional Director Bienvenido Barbosa, DILG – QC Field Office Director Emmanuel Borromeo, at mga department head.