Matagumpay na naisagawa ang Parents as Teachers, Homefront Heroes program na may kabuuang 219 PTA officers na lumahok. Sa tulong ng Schools Division Office at suporta ng Quezon City Government, layunin ng programang ito na matulungan ang mga magulang na maging mas mabuting gabay sa edukasyon ng kanilang mga anak sa tahanan.

Tinulungan din ang mga magulang na mas maunawaan ang kanilang mga anak at ang sarili nila para mapabuti ang relasyon sa pamilya. Bukod dito, pinalakas ang kanilang kakayahan bilang mga lider ng parent community sa mga paaralan at binigyan ng mga praktikal na solusyon sa mga hamon ng PTA.

Salamat sa lahat ng lumahok—isang hakbang patungo sa mas maayos na edukasyon para sa ating mga anak!

+2