Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Maligayang Araw ng mga Magulang!
Alinsunod sa Proclamation No. 213, s. 1937, ginugunita tuwing unang Lunes ng Disyembre kada taon ang Parents’ Day o Araw ng mga Magulang.
Sa araw na ito, ating bigyang-pugay at pasalamatan ang ating mga ama at ina para sa kanilang walang-sawa at walang-kapagurang paggabay at pag-aaruga sa atin.
At kahit walang espesyal na okasyon, patuloy nating ipakita at ipadama sa kanila ang ating paggalang at lubos na pagmamahal.




