Ibinida ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga programa, plataporma, at mga panuntunan ng lokal na pamahalaan na tumutugon sa plastic waste reduction sa International Forum to End Plastic Pollution in Cities, sa Paris, France.
Bilang nag-iisang Lungsod sa Pilipinas na kasama sa C40 Cities, tinalakay niya ang pag-adopt sa Enhanced Local Climate Change Action Plan for 2021-2050 na siyang magsisilbing gabay ng lungsod sa pagbuo ng climate resilience, pagtataguyod ng green economic development, at paglikha ng sustainable at livable na komunidad para sa mga QCitizen.
Binibigyang-diin ng circular economy approach ng Quezon City ang kahalagahan ng maayos na solid waste management solution sa pagpapatupad ng dalawang mahahalagang ordinansa na naglalayong ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic at disposable materials sa mga kainan at hotels sa QC (City Ordinance 2876-2019) at ang hindi paggamit ng plastic bags sa mga pangunahing pamilihan tulad ng grocery at department stores, pharmacies, at food establishments ng Lungsod (SP-2868 series of 2019).
Present din sa panel discussion sina Deputy Secretay General of ICLEI – Local Governments for Sustainability, Regional Director of ICLEI Africa and Global Director of ICLEI’s Cities Biodiversity Centre Ms. Kolbie Brand, Municipal Corporation Ambikapur, Chhattisgarh Commissioner Ms. Pratishtha Mamgain, Québec’s Delegate General in Paris Ms. Michèle Boisvert.