Saludo ang Quezon City Government sa ipinakitang husay at determinasyon ng QCitizen Fencer na si Sam Catantan.

Nanalo si Sam sa kanyang unang laban sa Paris Olympics, pero hindi na nakapasok sa round-of-16 ng women’s foil individual matapos talunin ng world no. 2 mula sa Italy na si Arianna Errigo. Lumamang pa si Catantan sa score na 5-4 bago tuluyang manaig si Errigo sa final score na 15-12.

Una namang tinalo ni Catantan ang pambato ng Brazil at no. 32 seed na si Mariana Pistoia sa score na 15-13 para umabante sa round-of-32 at makaharap ang top ranked na si Errigo.

Produkto ng grassroots sports program ng Quezon City si Catantan na naging tulay niya upang maging scholar sa University of the East at kalaunan ay sa Pennsylvania State University sa Estados Unidos.

We are proud of you, Sam! Mabuhay ka!

Panoorin ang kwento ng tagumpay ni Sam sa special report na ito: https://www.facebook.com/QCGov/videos/3769658709914199

#ParisOlympics2024

#TayoAngQC