Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Patuloy na nakaantabay ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa kahabaan ng Tomas Morato at Timog Avenue sa gabi para sa dry run ng bagong parking regulation sa public parking areas.
Araw-araw, 24 oras ang operating hours ng dry run sa parking sa Tomas Morato-Timog Avenue. Sakop ng mga bagong patakaran ang lahat ng public parking areas sa kahabaan ng Tomas Morato at Timog, anumang oras—umaga o gabi.
Bahagi ito ng QC ReVibe efforts para sa pagpapaganda ng mga tourist district ng lungsod. Mananatili ang regulasyong ito hanggang sa maipasa na ang Public Pay Parking Ordinance.
Basahin ang buong abiso sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/18RuDqdWqV/








