Ginagamit na ng Parks Development and Administration Department (PDAD) ang treated wastewater na nakolekta sa residential areas para ipangdilig sa mga halaman sa parke at panglinis ng open spaces upang maiwasan ang paggamit ng potable o drinking water.
Bahagi ito ng pagpapatupad ng sustainable practices sa QC at paghahanda sa inaasahang El Niño phenomenon.
Matatandaang lumagda sina Mayor Joy Belmonte at Maynilad Water Services Inc. President and CEO Ramoncito Fernandez ng Memorandum of Agreement noong Nobyembre 2023 kaugnay sa paggamit ng treated wastewater sa cleaning and maintenance activities ng parks at pag-apula ng sunog.