Kinilala ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Council ang Quezon City Government dahil sa mga programa nito sa pagsusulong ng de-kalidad na programa at serbisyo sa ECCD.

Sa Quezon City, tinututukan ng mga child development center teacher ang mga bata edad tatlo hanggang apat para ma-develop ang kanilang kakayahan sa pagbabasa at pakikisama sa kapwa nila bata.

Tinitiyak din ng lokal na pamahalaan na may sapat na kagamitan at pasilidad sa mga komunidad para maisakatuparan ang mga ito.

Tinanggap nina Social Services Development Department (SSDD) OIC Carol Patalinghog at ECCD Focal Nazia Louise Espina ang parangal, sa ginanap na Partner’s Recognition Program ng ECCD Council noong December 12, 2024 sa Manila Hotel.