Malugod na tinanggap ng lokal na pamahalaan ang pagdating ng mga delegado ng iba-ibang bansa, sa ginanap na Partnership for Healthy Cities Food Policy Workshop.
Sa mensahe ni Mayor Joy Belmonte na ibinahagi ni City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, tiniyak niya na patuloy na mangunguna ang lungsod sa pagtugon sa mga non-communicable diseases.
Tatlong araw sasailalim sa workshop ang food policy experts at urban leaders mula Amman (Jordan), Bandung (Indonesia), Colombo (Sri Lanka), Jakarta (Indonesia), Muscat (Oman), Quezon City (Philippines), mga ilang kinatawan ng World Health Organization at global health organization na Vital Strategies.
Layon ng pagtitipon na talakayin ang best practices at mga polisiya ng iba-ibang siyudad sa pagpapatipad ng evidence-based food policies para maiwasan ang sakit.










