Magkatuwang na nag-deploy ang Pasig City at Quezon City ng Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team, Medical Team, at Psychosocial First Aid Team upang maghatid ng tulong sa mga residente sa Cebu na apektado ng lindol.
Agad na nagtungo ang Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) Team ng Pasig at QC sa mga paaralan at health office warehouse upang suriin ang mga gusaling pinag-iimbakan ng mga gamot.
Ang Medical at Psychosocial First Aid Teams naman ay tumugon sa mga pangangailangang medikal at psychosocial ng mga residente.
Ang joint mission ay bunga ng isinagawang special Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) Meeting na ginanap sa Pasig City noong October 2, 2025.
Dinaluhan ito ni QCDRRMO OIC Ma. Bianca Perez bago isinagawa ang send-off ng Team QC sa Cebu.








