Bumisita sa Public Affairs and Information Services Department (PAISD) ng Quezon City Government ang mga kinatawan mula sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig City, sa pangunguna nina Ron Christian S. Angeles, Special Assistant to Cultural and Community Events, at Maria Krisna Juangco, Officer-in-charge ng Public Information Office kasama ang kanilang team, para sa isang benchmarking activity.
Layunin ng pagbisita na mapalalim ang kanilang kaalaman sa mandato, mga proseso, at best practices ng PAISD pagdating sa epektibong information dissemination at public communication.
Ibinahagi rin ng PAISD ang kanilang mga estratehiya sa media relations at pamamahala ng digital platforms upang higit pang mapalakas ang ugnayan sa publiko.
Ipinakita ng PAISD ang proseso sa pagbuo ng isang episode ng Usapang QC, ang award-winning online infotalk show ng Quezon City Government.








