Dumalaw ngayong araw sa Quezon City Hall ang mga kawani ng Pasig City, Caloocan City, at Imus, Cavite para magsagawa ng benchmarking activity.
Ibinahagi ng Quezon City Information Technology Development Department (ITDD) ang centralized Document Management System (DMS) para sa internal processes ng bawat departamento at opisina ng lungsod sa tulong ng InfiniVAN Inc..
Layon ng aktibidad na magsilbing gabay sa mahusay na records management at digitalization sa iba pang lokal na pamahalaan para matiyak na ligtas at maayos ang pangangasiwa sa mahahalagang impormasyon at dokumento.
Nakibahagi sa benchmarking activity sina City Administrator Michael Victor Alimurung at QC ITDD Officer-in-Charge Mary Ann Cruz.








