Tara na sa Pasko sa Parke: Balara Park Christmas Market 2025, kung saan hatid ng QC local small businesses ang masasarap na pagkain, inumin, at iba pang produkto para sa mas masayang Holiday Season.
Pinangunahan nina District Action Officer Atty. Tommy De Castro, Paulo Borres, Acting Division Head ng Business Resource Division ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office, at iba pang opisyal ng barangay ang pagbubukas ng Christmas Market.
Bukas ang Pasko sa Parke: Balara Park Christmas Market mula December 9, 2025 hanggang December 24, 2025, 3:00 PM hanggang 11:00 PM sa Balara Filters Park, Brgy. Pansol, Quezon City.








