Maraming salamat, QC Government interns!
Muling nagkita-kita ang former Quezon City Government interns sa ginanap na “Pasko sa QCG: A Merry Interns Meet Up” handog ng Quezon City Human Resource Management Department (HRMD) sa pangunguna ng Strategic Human Resource Unit (SHRU).
Pinasalamatan ni City Administrator Michael Victor Alimurung ang interns na naglaan ng kanilang serbisyo sa pamahalaang lungsod. Dagdag pa ni CA Mike, umaasa ang QC na nagkaroon ng makabuhulang professional learning experience ang mga Senior High School at College interns.
Kinilala naman ng QC HRMD ang Quezon City University at Polytechnic University of the Philippines bilang mga unibersidad na may pinakamaraming interns sa QCG.
Umabot na sa 1,470 ang natanggap na work immersion, academic, at voluntary interns ng pamahalaan sa ilalim ng QC Internship Program.
Nanguna sa programa sina QC HRMD head Atty. Noel Del Prado, SHRU Action Officer Dr. Ria Tantoco-De Leon, at city department heads and supervisors.