Maagang pamasko ang handog ng Quezon City Public Employment Service Office sa mga QCitizen Overseas Filipino Workers (OFW) at kanilang pamilya!
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Paskong Masaya, Paskong QC: 2024 OFW Month Celebration ngayong December.
Nakatanggap ng pamaskong handog ang aabot sa 1,200 OFW at 300 kabataan na nasa ilalim ng programang QC Smart Child e-Habilin ng QC Migrant Resource Center.
Bilang tulong sa mga OFW, sila rin ay ginawaran ng Small Income Generating Assistance (SIGA) ng Social Services Development Department at Pangkabuhayang QC ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office.
Namahagi ng mga regalo ang Department of Migrant Workers – NCR sa pangunguna ni Regional Director Herminigildo Daytoc at ilang kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).