Night Market Comes Home to QC!
Opisyal nang binuksan sa unang pagkakataon ang Paskong Masaya, Paskong QC Night Market sa Quezon City Hall Risen Garden.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang Ribbon Cutting, kasama si QC Small Business and Cooperatives Development Promotions head, Mona Celine Yap, department heads, at mga city councilors na dumalo rin sa Christmas Tree Lighting.
Tampok sa Night Market ang higit 50 stalls na pwedeng bilihan ng maagang pamasko sa ating mga minamahal. Meron ding food and beverage stalls na papawi ng uhaw at gutom pagkatapos maglibot sa Christmas display ng QC Hall.
Bukas ang Night Market mula 5pm hanggang 12mn, Monday to Friday para sa mga nais mamili at magfood trip.