QCitizen, halina’t mamili sa Paskuhan sa Calle Plaza sa Araneta City!

Iba-ibang proudly Filipino-made ang tampok sa Calle Plaza na proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI), katuwang ang Quezon City Government at Araneta City. Mula sa mga pagkain at mga pampalasa, mabibili rin sa bazaar ang iba-ibang handcrafted items at sapatos na puwedeng-puwedeng pang regalo ngayong pasko.

Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ceremonial ribbon-cutting ng bazaar, kasama sina DTI-NCR Regional Director Marcelina Alcantra, Araneta City Vice President for Operations Morriel Abogado, PCCI Regional Governor Sarah Deloraya-Mateo, at Hamilcar Rutaquio na kinatawan ni District 1 Rep. Arjo Atayde.

Bukas ang Calle Plaza sa Farmers Plaza sa Cubao mula December 1 hanggang December 4.