Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-82 Founding Anniversary ng Lungsod Quezon, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte kasama si Brgy. Payatas Kap. Manny Guarin, at mga kinatawan ng Parks Development and Administration Department, at Tourism Affairs Department sa Payatas Controlled Disposal Facility.
Binigyang-diin ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng green spaces lalo na sa gitna ng highly urbanized na lungsod tulad ng QC. Malaki ang maitutulong ng pagpapaunlad at pagpapaganda ng mga parks na ito sa ecotourism ng lungsod.