Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang mass oath taking ceremony ng libo-libong residente ng Barangay Payatas bilang mga miyembro ng Bagong Payatas Cooperative nitong Biyernes.

Ayon sa Alkalde, malaki ang tulong ng kooperatiba sa isang komunidad dahil magbibigay ito ng sama-samang kaunlaran para sa mga residente nito.

Tumindig din bilang mga bagong miyembro ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) movement ang mga kalalakihan ng Barangay Payatas.

Higit na sa 11,000 ang kabuang miyembro QC MOVE na layong labanan ang lahat ng uri ng karahasan sa mga kababaihan.

Present din sa programa sina District 2 Action Officer Bong Teodoro at Barangay Payatas P/B Rascal Doctor kasama ang barangay council.

#WomensMonth

#QC85th

#TayoAngQC

+14