Bumisita si Mayor Joy Belmonte sa selebrasyon ng International White Cane Day na idinaos ng QC Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) sa pakikipagtulungan sa Federation of Quezon City Blind Massage Therapist.

Bilang pakikiisa ng QC government sa QCitizens na mayroong visual disability, namahagi ang PDAO ng white canes sa visually impaired beneficiaries.

Nagkaroon sila ng Disability Awareness and Sensitivity Training, QCPWD ID booth na tumutulong sa mga Persons with Disabilities upang makapagrehistro at binigyan din sila ng hygiene kits at meals.