Nagtipon ang mga person with disability (PWDs), at mga PWD rights advocate sa isinagawang Employment Forum ng Persons with Disability Affairs Office katuwang ang QC Kabahagi Center for Children with Disabilities.

Naging speaker sa “Kabahagi ako sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at Karapatang Makahanap ng Trabaho: Benefits and Rights of the Employers and PWDs” forum sina Mr. Jonathan Delda ng Grain Foundation, Mr. Raffy Chico ng Interlink Manpower Development and General Services, at Rep. Rowena Guanzon ng P3PWD Partylist. Itinalakay nila ang mga benepisyo at karapatan ng mga PWD at mga employer.

Present din sa pagtitipon sina QC Persons with Disability Affairs OIC Deborah Dacanay at QC Kabahagi Center Director Karen Sagun.

Ang forum ay bahagi ng paggunita ng lungsod sa National Disability Prevention and Rehabilitation week.