Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Peace and Order and Public Safety Planning para sa mga Barangay Public Safety Officers at Peace and Order Council ng District 1 kasama sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, Department of the Interior and Local Government QC Field Office Dir. Manny Borromeo, Coun. Rannie Ludovica, Barangay Community Relations Department head Ricky Corpuz, at Radio Communications Service head Carlos Verzonilla.
Layon ng orientation na makapagbuo at maghain ng mga programa ang mga barangay sa pagpapanatili ng public order and safety sa QC. Hinimok ng alkalde ang mga BPOC na paghusayan ang pagpaplano upang maisakatuparan ang mga nabalangkas na programa para sa kaligtasan ng mga QCitizens.