Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod, sa ginanap na Peace in Our Cities – Southeast Asia Scoping Meeting ngayong Martes.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde na inclusivity ang pundasyon ng pamamahala sa lungsod kaya’t mahigpit na sinisiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan.
Sa Quezon City mayroong centralized databank system na ginagamit ang awtoridad para ma-track at mai-proseso ang mga kaso ng violence against women and children.
May suporta rin para sa mga survivor ng gender-based violence sa tulong ng Quezon City Protection Center at Bahay Kanlungan, at dedicated helpline para sa mga biktima ng pang-aabuso sa pamamagitan ng Safe City App.
Bukod kay Mayor Joy, dumalo rin sa meeting sina Peace in Our Cities Co-Founder Rachel Locke, Red Dot Foundation Founder ElsaMarie DSilva, Bayi Inc. Co-founder Maya Tamayo, Ana Liza Bonagua ng DILG, Kat Tolosa ng The Asia Foundation, at mga opisyal ng iba-ibang lokal na pamahalaan at covoc society organizations.
Ang pagtitipon ay inorganisa ng Peace in Our Cities, Bayi Inc., Red Dot Foundation, at QC Gender and Development Council Office, sa pakikipagtulungan sa UP Center for Women and Gender Studies at The Asia Foundation.








