Humakot ng parangal ang Quezon City sa PEARL AWARDS 2025 ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) na idinaos sa 2025 ATOP National Convention sa Baguio City.
Itinanghal na Hall of Famer at Grand Winner ang QCinema International Film Festival para sa Best Event Hosting: International Event category.
Grand Winner din ang Feast Celebration of Our Lady of La Naval para sa Best Tourism Event: Religious Festival category.
Nasungkit ng Maginhawa Arts and Food Hub ang 1st Runner-Up para sa Best Practices in Community-based Tourism, habang 1st Runner-Up din ang Sights, Sounds and Flavors of QC Booklet ng QC Tourism Department para sa Best Tourism Souvenirs: Non-Food category.
2nd Runner-Up naman ang New Year’s Countdown ng QC para sa Best Event Hosting: Local Event category, at Makasaysayang QC Heritage Bike Ride para sa Best Practices on Sustainable Tourism category.
Ang Pearl Awards ay iginagawad taun-taon bilang pagkilala sa mga katangi-tanging programa, proyekto, at inisyatiba ng mga lokal na pamahalaan para sa pagsusulong at pagpapalakas ng sektor ng turismo sa kani-kanilang lugar.
Congratulations po sa ating lahat!
Makakaasa po kayo na pagbubutihan pa ng Pamahalaang Lungsod ang paghahatid ng makabuluhang programa para mas mapaunlad pa ang mga tourist destination sa lungsod, at mabigyan ng suporta ang homegrown talents, at lokal na mga produktong tunay na maipagmamalaki ng QC.








