Padyak para sa Kalikasan
Dumalo at nagbigay ng talumpati si Mayor Joy Belmonte sa naganap na #PedalforPeopleandPlanet bike event.
Parte ito ng inilunsad na Asia-wide biking events na may mithiing patuloy na ipanawagan sa mga mayayamang bansa na magkaroon ng “climate reparations” para sa mga apektadong developing countries tulad ng Pilipinas.
Higit sa 2,500 ang mga volunteer bikers mula sa 50 na mga organisasyon sa Metro Manila at mga karatig na lungsod at probinsya ang dumalo at pumadyak sa 15 kilometers na protected bike lanes sa lungsod.
Nagtanghal sa post-ride event sa Quezon City Hall sina Noel Cabangon, Bayang Barrios, at ang Naliyagang Habagat.