Cycling for a Better Earth
Sabay-sabay pumadyak ang nasa isang libong bike participants sa idinaos na ikalawang Pedal for People and Planet (PPP) sa Lungsod Quezon sa pangangasiwa ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development.
Dinaluhan ito ng iba-ibang bike groups at climate advocates upang ipanawagan ang global climate actions. Pinadyak nila ang 16-km loop na nag-umpisa sa Quezon City Hall.
Kaisa ang QC, sa 42 na mga syudad at mga probinsya sa Asya na nakiisa sa bike event ngayong araw.