Good “Jab” sa mga chikiting na ngayon ay #ProtekTODO na laban sa COVID-19.
Kasalukuyang isinasagawa ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 years old sa apat na vaccination sites sa lungsod kabilang ang Eastwood, Robinsons Magnolia, Fairview Terraces at New Frontier Theater.
Bukod sa mascots at makukulay na dekorasyon ay iba-ibang welcome treats at freebies din ang ipinamigay sa mga batang magpapabakuna.
Maraming salamat sa Araneta Groups at Tzu Chi Medical Foundation sa lootbags at goodies na inyong inihanda para sa mga chikiting.
Sa mga parent o guardian na nais mabigyan ng proteksyon ang kanilang mga anak kontra COVID-19, maaaring magparehistro sa inyong barangay o mag-register o magpa-book ng schedule sa https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
























